Arestado ang dalawang Top 1 Most Wanted Person sa antas-munisipal sa magkahiwalay na operasyon ng Ilocos Sur Police Provincial Office o ISPPO noong Nobyembre 10, 2026.
Unang naaresto sa Candon City ang isang 21-anyos na akusado sa tatlong bilang ng paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may ₱200,000 piyansa sa bawat bilang.
Sinundan ito ng pag-aresto sa isang 51-anyos na suspek ng mga tauhan ng Narvacan Municipal Police Station at iba pang yunit ng pulisya.
Nahaharap ito sa sampung bilang ng Acts of Lasciviousness, na may ₱180,000 piyansa sa bawat kaso.
Ayon sa ISPPO, bahagi ang dalawang pag-aresto ng kanilang mga operasyon laban sa mga indibidwal na kabilang sa Most Wanted Persons list ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








