Saturday, October 3, 2026

DALAWANG WANTED PERSON KABILANG ANG ISANG TOP 5 MOST WANTED PERSON-MUNICIPAL LEVEL, ARESTADO SA BAUTISTA

Arestado ang dalawang wanted person ng mga tauhan ng Bautista Municipal Police Station sa magkahiwalay naoperasyon sa Bautista, Pangasinan.

Kabilang sa mga naaresto ang isang Top 5 Most Wanted Person sa municipal level, na may warrant of arrest kaugnay ng mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness.

Arestado rin ang isa pang wanted person na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Isinagawa ang dalawang pag-aresto sa bisa ng kani-kanilang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 50 sa Villasis, Pangasinan.

Pinangunahan ni PCPT Jerwin L. Cabreros, Officer-in-Charge ng Bautista MPS, ang operasyon na bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted person.

Nasa kustodiya na ng Bautista MPS ang mga naarestong indibidwal para sa kaukulang proseso ng korte.

Hinihikayat naman ng pulisya ang publiko na patuloy na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon hinggil sa mga wanted person sa kanilang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments