Naaresto ng pulisya ang dalawang indibidwal na may kinahaharap na kasong Qualified Theft sa magkahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Luna at Aringay.
Bandang alas-10:00 ng umaga, inaresto ng mga tauhan ng Luna Municipal Police Station (MPS) katuwang ang LUPIDMU, LUPIU at RIU1 ang isang 44-anyos na lalaki sa Luna, La Union. Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansang ₱12,000. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Luna MPS para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, bandang alas-12:20 ng tanghali, nadakip naman ng Aringay Municipal Police Station ang isang 32-anyos na security guard sa Aringay, La Union. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant para sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansang ₱30,000.
Ang dalawang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kani-kanilang himpilan ng pulisya habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








