Daloy ng Trapiko sa Carranglan Nueva Ecija, Bumalik na sa Normal!

Carangalan, Nueva Ecija – Bumalik na sa normal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Barangay. Puncan, Carranglan Road sa Nueva Ecija matapos maganap ang pagguho ng lupa at aksidente sa naturang lugar kahapon.

Ayon kay PO1 Jem Milan ng PNP Caranglan na ang sanhi ng pagguho ng lupa sa lugar ay dahil sa isang linggong pag-ulan kung kaya’t naantala ng mahigit sa apat na oras ang mga motorista papuntang manila at papunta dito sa rehiyon dos.

Tinugunan naman ito agad ng Carranglan DPWH kung saan ay nagpadala sila ng mga equipment at inalis ang mga bato at lupa sa daan.


Naging sanhi rin ang ten wheeler truck na may lamang scrap metal na naaksidente sa may Brgy. Capintalan na iginilid rin sa daan ng Carranglan DPWH.

Sa ngayon ay umuusad na ang mga sasakyan makaraang payagan na ng PNP Carranglan na tumawid sa lugar dahil wala nang nakikitang panganib sa mga motorista at umaalalay parin ang mga kapulisan para maiwasan ang gitgitan sa daan ng mga nag-uunahang mga sasakyan.


Facebook Comments