DAMAY-DAMAY | Pagtalakay ng Senado sa Cha-Cha, posibleng maapektuhan ng nakaaambang impeachment trial kay CJ Sereno

Manila Philippines – Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na posibleng maapektuhan ng nakaambang impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang planong pagtalakay ng Senado sa Charter Change at sa iba pang mahalagang panukala tulad ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Drilon, malinaw sa mga naging pahayag ni House Committee on Justice Chairman Rey Umali na posibleng mai-transmit sa Senado sa Abril o kaya’y sa buwan ng Mayo ang articles of impeachment laban kay Sereno.

Ipinaliwanag ni Drilon, na kapag umakyat na sa Senado ang kasong impeachment ni Sereno, ay obligado na silang umakto bilang isang impeachment court.


Sinabi ni Drilon na kapag nangyari ito ay maisasantabi na ang pagtalakay sa Cha-Cha na magbibigay daan sa pederalismo, gayundin ang pagtalakay sa BBL at sa Legislative Agenda ng Senado.

Facebook Comments