NAGHAHANDA NA | Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, itinuturing na blessing ang pagiging host ng Pilipinas sa 2013 FIBA world cup

Sports – Itinuturing ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na blessing in disguise ang pagkakapili ng bansa bilang isa sa mga host ng 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Reyes, siguradong magiging isang malaking event na maituturing ang world cup kaya ngayon pa lang ay excited na ang maraming mga fans.

Isang napaka-espesyal din ang pagiging host ng Pilipinas dahil maraming mga kilalang basketball players mula sa ibang bansa ang makikitang maglalaro.


Ibinunyag pa ni Reyes na sinimulan na ng Pilipinas ang paghahanda para sa world cup kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa Indonesia at Japan.

Magugunitang napili ang grupo ng Japan, Indonesia at Pilipinas na mag-host ng 2023 FIBA World Cup kaya at otomatikong kasali na sila sa nasabing international tournament.

Facebook Comments