Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, pinuno ng CVMC, kahit na wala pang kinukumpirma ang regional office sa bilis ng pagdami ng mga kaso ng covid sa rehiyon ay ipinagpapalagay na ng kanilang pamunuan na dahil ito sa Omicron.
Ganunpaman, isa pa rin aniya ito sa pinag-aaralan ngayon ng Kagawaran ng Kalusugan.
Ayon kay Dr. Baggao, mas mild lamang ang Omicron variant kumpara sa Delta variant subalit mas mabilis lamang ang pagkalat nito at kung hindi pa bakunado ang isang pasyente ay posibleng hindi kayanin ng kanyang katawan.
Batay sa pinakahuling datos ng Tuguegarao City Information Office, mayroong 1,158 na aktibong kaso ng COVID-19 ang naturang lungsod kung saan umabot na sa 16,476 ang total confirmed cases ng Tuguegarao City.
Hinikayat naman ni Dr. Baggao ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna na at iwasan na munang gumala o lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan para hindi na lalong tumaas ang kaso ng COVID sa rehiyon.