Panghimagas- Isang kasuotang pambata ang ginawa ng isang London-Based designer.
Ito ay tinawag na “Petit Pli” na hango sa disenyo ng Origami o Japanese art ng paper folding kung saan nag-a-adjust ang kasuotan alinsunod sa galaw at paglaki ng bata.
Ang kasuotan na futuristic ang design ay terno na pang-itaas at pang-ibaba.
Maaari itong isuot ng sanggol na apat na buwang gulang hanggang tatlong-taong-gulang dahil nababanat ang tinupi-tuping tela nito.
Ayon sa designer nito na si Ryan Mario Yasin, budget friendly ang damit na wind-proof at water-proof din.
Bukod sa pambata, gumagawa na rin siya ngayon ng disensyo na puwede sa matatanda.
Facebook Comments