Dangerous Drugs Board, bibisita sa Cagayan de Oro City

Pinaghahandaan ngayon ng syudad ng Cagayan de Oro ang pagbisita ng Dangerous Drugs Board o DDB sa susunod na linggo.
Layon ng pagbisita na magsagawa ng assessment sa pagpapatupad ng Community Based Treatment Program alinsunod sa DDB Board Regulation na Oplan Sagip.
Kampante naman si City Councilor Romeo Calizo ang Chairman ng City Anti Drug Abuse Council na hindi malalagay sa alanganin ang syudad hinggil sa kampanya laban sa illegal na druga.
Sa ngayon ay may naitayo nang Citizen Wellness Center ang syudad sa ilalim ng City Social Welfare and Development Office para matulungan na mabago ang mga nabiktima sa illegal na druga sa pamamagitan ng community based rehabilitation program.
Libong mga drug responders na rin mula sa iba’t-ibang barangay ng Cagayan de Oro ang napasailalim sa naturang programa.
By: Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments