Manila, Philippines – Hinamon ni Senador Tito Sotto ang tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC) na si James Jimenez na patunayang pinayagan ng poll body ang nangyaring transmission ng mga boto bago ang May 9, 2016 elections.
Matatandaang inihayag ni Jimenez na ‘premature’ para sabihing nagkaroon ng iregularidad sa nakaraang halalan.
Apela ni Sotto, maglabas ang COMELEC ng circular o memo na nagpapakita ng authorized transmission ng mga boto sa server mula noong May 8 hanggang May 9.
Pinatunayan lamang aniya ni Jimenez na totoong mayroong anomalya.
Una nang sinabi ng COMELEC na aalamin nila kung tunay ang mga alegasyon ng senador.
<#m_-4226949094301646943_m_5803342491961561569_m_626594821209039490_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>