Cauayan City, Isabela – Ang pagkabirhen ang pinakamagandang regalo ng isang indibidwal sa kanyang mapapangasawa.
Ito ang isa sa mga nabigyan ng diin sa isinagawang pagtitipon ng mga kababaihan sa 2nd National Peace Leadership Conference on Social Development na may temang “Together for Peace; Respect, Safety and Dignity for All” kahapon, Setyembre 21, 2017 dito sa Cauayan, Isabela.
Sa talumpati ni Merly Christina B Barlaan, ang presidente ng Women Federation for World Peace- WFWP Philippines ay kanyang tinuran ang kahalagahan ng purong pagmamahal at pagiging birhen sa araw ng kasal.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Barlaan pagkatapos ng kanyang talumpati ay kanyang binigyang diin ang kanilang kampanya upang turuan ang mga kabataan sa pagiging puro at dalisay dahil ito ang pundasyon ng isang masayang pagsasama at maayos na pamilya.
Inamin niya na matindi ang hamon ang kinakaharap ngayon dulot ng teknolohiya, internet at pornograpiya na nagreresulta sa panakikipag sex ng mga kabataan sa di pa nila gaanong lubos na kilala at di tiyak kung siya ang kanilang mapapangasawa.
Magpagayunpaman ay sinasagot naman nila ito sa patuloy na pagpapalaganap ng kanilang adbokasiya na ‘pure love”.
Ang kumparensiya na ginanap sa FL Dy Colliseum ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Cauayan City at lalawigan ng Isabela.