Nagsagawa ng pagsusuri at ocular inspection ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matukoy ang ikalawang batch ng mga lupain na maaaring isailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Boracay Island.
Sinabi ni DAR Western Visayas Regional Director Sheila Enciso na alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay ang Boracay Island bilang isang ‘land reform area.’
Magugunita na noong 2018 ay naglipat ang DENR sa unang batch ng walong parsela ng lupain sa Boracay na kinapapalooban ng 7.9640 ektarya sa Manoc-Manoc, Boracay. Ang bahagi ng nasabing lupain ay ipinagkaloob sa 44 na mga miyembro ng tribong Ati at Tumandok sa ilalim ng collective ownership.
Sa pangalawang batch, nasa labindalawang lote ang ipapamahagi sa mga matutukoy na agrarian reform beneficiaries.
Ang nasabing mga parsela ng lupa ay nangangailangan ng revalidation.