DAR-Isabela Employees, Nabakunahan Laban sa Flu

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng libreng flu vaccine ang mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR)-Isabela sa tulong ng Cauayan City Health Office 02.

Isinagawa ang vaccination activity noong Enero 13, 2025, sa DAR-Isabela Provincial Office.

Layunin ng programang ito na protektahan ang mga kawani ng DAR laban sa flu, lalo na ngayong panahon na laganap ang naturang sakit.


Tinitiyak din nito na mananatiling malusog ang mga empleyado upang magampanan nila ang kanilang responsibilidad sa pagbibigay serbisyo sa mga magsasaka sa lalawigan.

Nagpaabot ng pasasalamat si Director III Jess Beth G. Quidasol sa Cauayan City Health Office 02 para sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Facebook Comments