DAR, nakapagpamahagi na ng 4.9 million ektaryang agri lands sa may 2.8 million na magsasaka sa bansa

Inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakapagpamahagi na ito ng 4.9 million hectares ng agricultural lands sa may 2.8 na magsasaka sa bansa batay sa pinakahuling inventory noong June 2020.

Ayon kay Undersecretary David Erro, sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms nasa 5,441,000 hectares ng lupang pansakahan ang naipamigay na nila sa mga kuwalipikadong agrarian reform beneficiaries.

Ito aniya ay katumbas ng 90% na accomplishments ng ahensya.


Sa ngayon aniya ay may natitira pang 523,000 hectares na nakatakdang ipamahagi.

Sa ilalim ng batas, bawat ARBs ay mabibigyan ng average na 1.5 hectares ng lupang kaniyang lilinangin.

Facebook Comments