Halos tatlong libong magsasakang apektado ng community quarantine sa lalawigan ng Nueva Ecija ang nabigyan ng relief assistance ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ang tulong ng DAR ay suporta sa pangangailangan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) habang ang bansa ay nasa ilalim ng community quarantine.
Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Office Atty. Emily Padilla, may 79 pang lalawigan sa bansa ang makakatanggap ng relief goods mula sa kagawaran para sa mga magsasaka.
Nabatid na nahahati sa apat na bahagi ang relief efforts.
Ito ay ang Support to Agrarian Reform Beneficiary Organizations bilang frontliners sa Food Supply Chain, Farm Productivity Assistance to ARBs, Livelihood Support for Women in Crisis Situation at Package of Supplemental Food and Non-Food Items.