Naniniwala si Daraga Albay Mayor Carlowyn Batocabe na mahina ang mga ebidensiyang inihain ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice na nagdidiin sa kanya sa kaso ng pag-ambush at pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.
Ayon sa Alkalde, hindi nagtutugma ang mga ebidensiya at mga testimonya ng mga umaming pumatay sa dating kongresista sa mga pisikal na ebidensiyang nakalap sa crime scene.
Iginiit ng Alkalde na hindi aniya ito nagtutugma sa testimonya ng self-confessed gunman na si Yuson na dalawang beses lang niyang binaril sa likod si Batocabe habang binaril naman ng isang beses ng kasamahan niyang si Landon ang kongresista habang nakahandusay sa lupa.
Naninindigan ang abogado ni Mayor Baldo na si Atty. Lewinsky Fernandez na malakas ang kumpiyansa nila sa Judicial System ng bansa at mananaig ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay Representative Batocabe.
Ayon sa kampo ng Alkalde,malakas ang ebidensiya na nagpapatunay na isang malaking pulitiko sa Bicol ang tunay na utak da pagpatay kay Batocabe dulot nang hindi pagkakaintidihan sa dating partylist representative.