Darating na bakuna ngayong araw na 50,000 doses ng Sputnik V vaccine, ibibigay sa dalawa hanggang tatlong lugar lang – Vergeire

Ipapamahagi ang darating 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa mga “highly populous” areas na may mataas na bilang ng kaso COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na kakaunti lang din ang darating mamayang gabi na mga bakuna kaya siguro dalawa hanggang tatlong lugar lang ang mabibigyan ng nasabing bakuna.

Ang pagdating ng karagdagang 50,000 doses ang siyang ikatlo nang delivery ng Sputnik V doses na dumating sa Pilipinas.


Una nang sinabi ng pamahalaan na target nila na bumili ng kabuuang 20 million doses ng Sputnik V.

Samantala, wala namang naitala ang DOH na anumang side effects na naranasan sa mga naturukan ng 30,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Facebook Comments