DATA BREACH | LTFRB, mag-iimbestiga

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y data breach ng Uber sa mga customers nito.

Ito ang kinumpirma ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, kasunod ng pag-amin ng Uber PH na nagkaroon ng security breach sa mga gumagamit ng naturang app.

Una nang inamin ng Uber PH sa National Privacy Commission (NPC) na may mga Filipino user na kasama sa milyun-milyong nanakawan ng data kabilang na ang mga personal na impormasyon noong October 2016.


Hindi naman idinetalye ng Uber kung gaano karami o kung gaano kalala ang naging impact ng nasabing privacy breach dito sa Pilipinas.

Sabi ni Lizada, posibleng maharap sa matinding parusa ang Uber sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 kapag napatunayang itinago nila sa publiko ang security breach.

Facebook Comments