Data breach sa Cebuana Lhuillier, iimbestigahan na rin ng NPC

Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ng National Privacy Commission (NPC) ang data breach sa Cebuana Lhuillier.

Ayon kay NCP Commissioner Raymund Liboro – nagpasaklolo na sa kanila ang mga representative ng nasabing pawning at remittance firm matapos na mapasok ang kanilang e-mail server.

Sa ngayon, hinihintay na lang ng npc ang karagdagang detalye para malaman kung gaano kalala ang data breach.


Kahapon, inamin ng cebuana na nagkaroon ng data breach at posible umanong makompromiso ang personal na impormasyon ng kanilang 900,000 kliyente.

Ang Cebuana ay ang pinakamalaking non-bank financial services provider sa Pilipinas.

Facebook Comments