Gagawing bicameral conference para sa 2019 budget, ipinasasapubliko ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Nais ni Senador Panfilo Lacson na maisapubliko ang gagawing bicameral conference committee para sa 2019 proposed national budget.

Kadalasan kasi, photo ops lang bago magsimula ang bicam ang bukas sa publiko.

Giit ni Lacson – dapat alam ng publiko ang nangyayari sa bicam lalo na ang ammendments o pagbabago na ilalapat sa budget at kung sino-sino ang nagsusulong nito.


Bukas, ipapasa na ng senado sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang 2019 budget.

Agad itong isasalang sa bicam para sa Miyerkules ay maratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso saka isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para lagdaan.

Facebook Comments