OCD-BICOL, naka-red alert na bilang paghahanda sa bagyong “Amang”

Bicol – Naka-red alert na ang Office of the Civil Defense-Bicol (OCD) kaugnay ng Bagyong Amang.

Ayon kay OCD-Bicol Director Claudio Yucot – malaki ang tyansa na maulit ang nangyari sa kasagsagan ng bagyong Usman kung saan umabot sa 123 ang namatay dulot ng magkakasunod na landslides at malawakang pagbaha.

Napaalalahanan na raw nila ang tinatayang nasa 500 pamilya na nananatili pa rin sa evacuation centers sa bayan ng tiwi dahil sa posibleng epekto ng lpa.


Nagpatupad na rin ng mandatory evacuation sa ilang barangay sa Guinobatan, Albay.

Kanselado na rin ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa isla ng Rapu-Rapu.

Natukoy na rin ng ocd ang mga bahay na nasa high risk areas sa rehiyon na kailangang palikasin sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.

Facebook Comments