Database ng vaccination program na titiyak para hindi magkaroon ng aberya sa pagbibigay ng bakuna sa mga benepisyaryo, malapit nang makumpleto

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang magiging aberya sa pagpapatupad ng vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Tugon ito ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa presscon sa Malakanyang sa harap na rin ng ilang pangamba na baka matulad ang nangyari sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) na magkaroon ng kalituhan kung sino-sino ang mga dapat bigyan.

Sinabi ni Vergeire na mayroon nang inihahandang IT system para sa database na silang gagamitin para sa vaccination program at malapit na aniya itong makumpleto.


Nakikipagkoordinasyon aniya sila sa mga Local Government Units (LGUs) para makumpleto na ang pagsusumite ng specific list ng vaccine recipients.

Inaasahan ni Vergeire na bago matapos ang buwang kasalukuyan, may kumpleto na ang database.

Facebook Comments