Nakikidalamhati ang Department Of Foreign affairs sa pagpanaw ni dating Ambassador Rafael Azules Gonzales nitong biyernes, June 28 sa edad na 91.
Si Ambassador Gonzales ay nabatid na pumasok sa DFA nuong 1947 bilang isang clerk at kalauna’y naging foreign service officer nuong 1960.
Nagsilbi din ito sa ibat ibang posisyon sa ahensya sa New York, London, HongKong, Beijing, Berlin at naging Philippine Ambassador to Poland nuong 1992.
Nuong 2007 sumulat pa ng autobiography si Gonzales na pinamagatang “autobiography of ambassador Rafael A. Gonzales : diplomat, artist and judo master” kung saan ikinwento nito ang kanyang diplomatic career at ang karanasan niya sa judo
Facebook Comments