Dating body guard ni Senador Leila de Lima, humarap na sa korte sa unang pagkakataon bilang defense witness

1575

Humarap sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) sa unang pagkakataon ang dating body guard ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan bilang defense witness.

Sa pagharap ni Dayan sa hukuman ay inatasan ng Korte ang prosekusyon na kumuha ng Certified True Copy ng Transcript of Record ng hearing noong September 2016 kung saan ibabase ang magiging cross examination ng prosekusyon.

Ayon sa abogado ni Dayan na si Atty. Heidi Soriano, base sa initial affidavit ni Dayan ay sinabi nitong wala siyang natanggap na pera mula sa drug lord na si Kerwin Espinosa o sa sinumang Bilibid inmate na may kaugnayan sa iligal na droga.


Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa June 17, 2022.

Facebook Comments