German National na bihag ng Bandidong Abu Sayyaff – kinumpirma ni PNP Chief Dela Rosa na pinugutan na

97

MANILA, PHILIPPINES – Pinugutan na ng ulo ang bihag ng Abu Sayaff Grupo na German National na si Jeurgen Gustav Kantner.

 

Sa press briefing sa camp crame – kinumpirma ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagkakapugot kay Kantner, base na rin sa intelligence report.

 

Ayon kay Dela Rosa – sa ngayon ay hindi pa nakikita ang pugot na ulo at katawan ni Kantner at sinabing kasalukuyan pang hinahanap ng mga awtoridad.

 

Alas 3:30 kahapon ng umano’y pugutan ng ulo si Kantner ng Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni Muammar Askali alias Abu Rami sa Sitio South Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu matapos mapaso ang deadline ng bandidong grupo sa pagbibigay ng 30-million pesos na ransom.

 

Hindi pa naman kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang nasabing pagpugot sa Aleman.

 

Nobyembre 5 nang dukutin si Kantner at asawa nitong si Sabine Merz na pinatay ng mga bandido habang naglalayag sa karagatan ng Malaysia.


Facebook Comments