ICU Bed Occupancy ng Cagayan Valley Medical Center, Nasa 100% na

23

Cauayan City,Isabela- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na ‘full capacity’ na ang kanilang COVID wards ngayong araw, Setyembre 8, 2021.

Batay sa facebook post ni CVMC Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, umabot na sa 100% ang kanilang ICU bed occupancy at marami pang pasyente ang nananatili sa sa nightingale wards para sa admission.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ng kanilang ospital gaya ng konsultasyon sa mga out-patient department.


Samantala, bahagyang bumaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City batay sa inilabas na datos ng LGU.

Facebook Comments