Dating Customs Commissioner Isidro Lapeña, sumipot na sa DOJ kaugnay ng 11-billion shabu shipment case

Manila, Philippines – Nagsumite na ng kanyang counter-affidavit sa Department of Justice si dating Customs chief Isidro Lapeña.

Kaugnay ito ng pagpapatuloy sa pagdinig ng DOJ sa 11-billion shabu shipment na isinilid sa magnetic lifters.

Si Lapeña kasama ang mahigit apatnapung iba pa ay kabilang sa mga kinasuhan ng graft, dereliction of duty, at grave misconduct.


Una na ring naghain ng counter-affidavit si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Itinakda naman ng DOJ prosecutors sa March 4 ang ocular inspection sa magnetic lifters sa Bureau of Customs at sa March 7 naman ang ocular inspection sa iba pang magnetic lifters sa GMA, Cavite.

Sa March 12 naman itinakda ang clarificatory hearing sa DOJ.

Facebook Comments