Catriona Gray, misinformed sa issue ng pagpapababa ng social responsibility ng mga menor de edad – Malacañang

23

“She Should be Educated”, ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo kay 2018 Miss Universe Catriona Gray matapos nitong sabihin na dapat ay pinagtutuunan ng gobyerno ang dahilan kung bakit nasasangkot sa krimen ang kabataan kaysa panagutin ang mga ito sa batas.

Ayon kay Panelo, posibleng misinformed si Gray sa mga katotohanan dahil ang mga kumokontra sa pagpapababa ng social responsibility ng mga bata ay nanggagaling sa oposisyon.

Paliwanag ni Panelo, ang ginagawang batas ay nakatutok sa rehabilitasyon ng mga menor de edad na nahaharap sa kaso ay hindi ibig-sabihin nito ay isinasantabi na ang paghahanap ng solusyon kung bakit nasasangkot sa mga maling gawain ang mga bata.

Facebook Comments