Dating Kagawad ng Barangay, Huli sa isang Sabungan

Cauayan City, Isabela- Dinakip ang 14 na katao kabilang ang dating kagawad ng barangay matapos mahuli na nagsasabong sa isang tupada sa Brgy. Luga, Sta. Teresita, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jonard Gadoy, 36 anyos; Jason Mike, 26 anyos, Danilo Nabas, 42 anyos; Rodel Javier, 46 anyos; Efren Javier, 38 anyos; Richard Carpio, 35 anyos; Francis Hastadellio, 25 anyos; Domingo Patubo, 43 anyos; Jualito Pascua, 51 anyos; Felimon Corneho, 52 anyos; Gilbert Guillermo, 52 anyos at kapwa mga magsasaka at si Joseph Tacsiat, 46 anyos, dating kagawad ng barangay at pawang mga residente ng Brgy. Villa, Sta. Teresita, Cagayan.

Kabilang din Kurt Andress, 44 anyos, driver at residente ng Brgy. Simpatuyo at Rogelio Reynoso, 40 anyos at residente ng Brgy. Centro sa nasabing bayan.


Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Teresita Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong iligal na tupadahan sa Sitio Mabannag, Brgy. Luga na nagresulta ng pagkakahuli sa mga ito.

Kinumpiska sa mga suspek ang dalawang (2) panabong na manok, gamit sa panabong gaya ng ‘tari’ at bet money na nagkakahalaga ng mahigit sa P9,000.

Sinampahan na ng kasong paglabas sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga responsible sa iligal na sabungan.

Facebook Comments