Dating kalihim ng DFA, muling binanatan ang administrasyong Duterte dahil sa pagtugon nito sa isyu sa WPS

Muling binanatan ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtugon nito sa problema sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Del Rosario, tila gustong busalan at patahimikin ng administrasyon ang mga Pilipino dahil sa ginagawang pang-aangkin ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Habang taliwas din aniya sa malambot na pananalita ni Pangulong Duterte ang ginagawa nitong aksyon laban sa China.


Sa ngayon, giit ni Del Rosario na dapat na matigil na ito sa pamamagitan ng pagbabago na maisusulong sa darating na 2022 election.

Samantala, idinagdag ni dating Supreme Court Associate Justice Justice Antonio Carpio na pwedeng ireklamo ang China dahil sa pagkamkam sa yamang dagat ng Pilipinas.

Sa pamamagitan aniya ito ng muling pagbalik sa International Tribunal ng Pilipinas para maghain ng reklamo.

Habang maaari rin aniyang dumulog sa United Nations ang Pilipinas upang maghain ng resolusyon sa usapin na kinakaharap ng bansa laban sa China.

Facebook Comments