Dating konsehal sa Ilocos Norte at kasama nito, patay sa pamamaril

Laoag City – Patay ang dating konsehal ng Dingras, Ilocos Norte at isa pang kasama nito matapos pagbabarilin sa Bacarra Road, Laoag City.
Nakilala ang mga biktima na si konsehal Nathaniel Ruben Taylan II at kasama nitong si Joefrey Vianes.
Sa ulat, pinagbabaril ang dalawa habang nakasakay sa tricycle kung saan agad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.
Inaalam naman na kung sino-sino ang mga suspek at ano ang motibo sa krimen.

Facebook Comments