Dating Maguindanao Sajid Islam Ampatuan, ipinaaaresto ng Sandiganbayan

Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan ang dating gobernador ng Maguindanao na si Sajid Ampatuan.

Kaugnay ito sa anomalya sa school building project na nagkakahalaga ng mahigit ₱70 milyong noong 2009.

Napatunayang guilty ng Sandiganbayan 6th division si Ampatuan sa 126 counts ng graft, malversation at falsification of public documents.


Hinatulan ang dating gobernador ng mahigit walong taong pagkabilanggo at pinagmumulta ng 62 million pesos at pinagbawalan nang maka-pwesto pa sa gobyerno.

Hindi nakaharap kanina si Ampatuan dahil mayroon umano itong karamdaman ayon na rin sa kanyang mga abogado.

Nag-ugat ang kaso matapos palabasin ni Ampatuan na bumili ito ng construction materials para sa pagsasaayos ng school building subalit napag-alaman na wala naman pala itong binili.

Facebook Comments