Nawawalang Cessna plane sa Isabela, hindi pa rin matunton ng rescuers

Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas, hindi pa rin matagpuan ng rescuers ang nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Kaugnay nito, dinagdagan pa ng 45 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang pwersang tumutulong sa paghahanap ng eroplano.

Partikular na sinusuyod ngayon ng rescuers ang Maconacon, Isabela.


Anim ang sakay ng naturang private plane kabilang na ang isang piloto.

Facebook Comments