Dating mayor ng Cagayan De Oro City, pumanaw na

Cagayan De Oro City – Namatay na kagabi sa edad na 77 ang dating Mayor ng Cagayan de Oro City na si Pablo Pagute Magtajas dahil sa cardiac arrest.

Si Magtajas ay nagsilbing mayor ng siyudad sa loob ng 14 na taon, mula 1984 hanggang 1998.

Naging Bise Mayor ng dalawang taon at naging abogado ng ALU-TUCP Northern Mindanao.


Nagpakilala sa Cagayan de Oro sa buong mundo bilang City of Golden friendship.

Kabilang naman sa mga nasimulan niyang okasyon ay ang Duaw sa Kagayan at Kumbira o Food Festival.

Mas umunlad ang Cagayan de Oro sa taong 1992 matapos niyang gawing government-owned and controlled corporation ang Cagayan de Oro Water District na siyang pinakaunang water district sa Pilipinas.

Facebook Comments