Tatlong miyembro ng Maute na nadakip sa Iloilo port, hawak na ng Philippine Coastguard-Northern Mindanao

18

Iloilo City – Nasa kustodiya na ng Philippine Coastguard-Northen Mindanao ang tatlong miyembro ng Maute, na nadakip sa Iloilo port sakay ng isang commercial vessel.

Ito ang kinompirma ni Brigader General Restituto Padilla, ang Spokesperson ng Armed Forces of the Philippines sa interview sa DXCC-RMN news.

Dagdag pa ni Padilla na nasa arrest order ng National Defense ang pangalan ng mga suspetsado, kung saan nalaman na nagbago ng identity ang mga ito upang hindi makilala.

Sa ngayon ay hinintay pa ng Armed Forces of the Philippines ang listahan ng mga pangalan ng tatlong Maute, na nadakip ng Phililippine Coastguard sa Iloilo City.

Facebook Comments