Manila, Philippines – Sasampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong graft at malversation of public funds sa Sandiganbayan ang dating mayor ng Daanbantayan Cebu na si Maria Luisa Loot at municipal councilor nito na si Sammy Moralde.
Ang kaso ay nag-ugat sa pinasokan na memorandum of agreement sa pagitan ng Daanbantayan at ng RBA Quail Raisers Association, kung saan ang RBA ay humigi ng financial assistance na nagkakahalaga ng kalahating milyon, mula sa local government ng Daanbatayan para sa expansion ng agri-business ng asosasyon noong 2007.
Ngunit sa implemnetasyun ng proyekto, napag-alaman na hindi nasunod ni Loot at Moralde ang kondisyon ng MOA gaya ng periodic monitoring at evaluation ng proyekto para malaman sana ang progress at accomplishment ng proyekto.
Sa ngayon, hindi pa nabayaran ang loan kaya sabi ni Omdbusman Conchita Carpio Morales na sina Loot at Moralde ay nagpabaya sa kanilang trabaho.