Indian national, natagpuang patay sa loob ng kanyang silid sa isang inn sa Cagayan De Oro

Manila, Philippines – Patay nang natagpuan ang isang Indian national sa loob ng kanyang silid sa isang inn sa may Capt. Vicente Roa St. Corner Justo Ramonal St. Brgy 33 ng lungsod ng Cagayan De Oro.

 

Ang biktima ay nakilala na si Pradeep Aswani, 39 taong gulang, may asawa at nakatira sa Gallaria Magallanes St., Makati City na isang general merchandise agent.

 

Una nito alas 11:50 ng umaga, isang tawag ang natanggap ng police sation 2 Cogon galing sa isang Luz Abao, empleyado ng nasabing inn patungkol na sa nasabing insidente.

 

Base sa initial na imbestigasyon ng police station 2 Cogon at SOCO X, wala silang nakitang foul play sa pagkamatay nito at posibleng inatake umano ito ng kanyang sakit na asthma na posibleng dahilan umano ng kanyang pagkamatay.

 

Napag-alaman din na balak ng pamilya na i-cremate ang katawan nito dito na sa lungsod at dalhin ang abo nito sa kanyang sa pamilya sa Makati City.


Facebook Comments