Dating Mayor Sugatan sa Aksidente

Benito Soliven, Isabela – Inoobserbahan parin sa isang pribadong pagamutan si dating Benito Soliven Mayor Benjamin Sanglay matapos makasalpukan nito ang isang trailer truck na pagmamay-ari ng isang Katherine Anne Erica Bunuan ng Brgy. San Jose Baggao Cagayan na minamaneho ni Christopher Marzan ng barangay Tueg Bitag Grande, Baggao Cagayan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN News Cauayan mula sa PNP Benito Soliven, binabagtas ng nasabing trailer ang kahabaan ng Brgy. San Carlos sa Benito Soliven ng mawalan ng control sa manibela ang driver ng truck sa palikong bahagi ng daan.

Dito na naganap ang nasabing salpukan ng makasalubong ng truck ang Nissan Safari na minamaneho ng dating Mayor dakong alas singko ng hapon ng Enero 25, 2018.


Isinugod ng mga rumespondeng rescue unit ang dating mayor na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa isang pribadong ospital sa naturang bayang kung saan patuloy pa rin itong inoobserbahan.

Maliban sa dating mayor, nahagip din ang isang bata na bystander na kinilalang si Julian Escaner, sampung taong gulang, at residente ng barangay Santa Crus Benito Soliven.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan ng Benito Soliven kaugnay sa naturang insidente.

 

Facebook Comments