Dating miyembro ng NPA arestado sa Sarangani

General Santos—Nakakulong na ngayon sa Lock-up cell ng Alabel Municipal Police Station ang isang Margie Henoso, 29 years old, dating miyembro ng New People’s Army o NPA at residenti ng Purok 10, barangay Kawas, Alabel, Sarangani Province matapos itong maaresto dahil sa mga kaso nitong Frustrated murder at Illegal Squatting.

Naaresto ang suspek matapos nakatanggap ng report ang Pulisya na umuwi ito sa kanilang bahay noong nakaraang araw.

Aron kay Police Major Rey Salgado, Hepe ng Alabel PNP si Henoso ay dating kasapi ng Guerilla Front 71 na kumikilos sa tri-boundary ng Davao Occidental, South Cotabato at Sarangani Province.


Taong 2016 nang kumalas umano ito sa grupo at nagtatago dahil na rin sa kanyang mga kaso.
Sa ngayon hinihintay nalang ng Alabel PNP ang commitment order para mailipat na sa Sarangani Provincial Jail ang nasabing suspek.

Facebook Comments