Pinawalang sala ng Sandiganbayan 6th Division si dating MRT3 General Manager Al Vitangcol sa dalawang bilang ng kasong graft kaugnay sa maanomalyang kontrata sa MRT3 noong 2012.
Ang graft case ay kaugnay sa maanomalyang $1.5 Million kontrata sa MRT3 at pangingikil umano ng $30 Million sa Czech Company na Inekon Group.
Kinatigan ng korte ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ni Vitangcol laban sa prosekusyon.
Bigo ang prosekusyon na maidiin sa kaso ang dating General Manager ng MRT3 dahil sa kakulangan sa ebidensya.
Labis namang ikinatuwa ni Vitangcol ang pagbasura ng anti-graft court sa kanyang kaso.
Sa kabilang banda ay nahaharap naman sa kaso ng paglabag sa Government Procurement Reform Act si Vitangcol bunsod ng pag-award nito sa PH Trams at CB and T joint venture ng maintenence contract ng MRT3 kung saan isa sa mga opisyal ng PH Trams ay uncle ng kanyang asawa.