Senado, magpapatawag pa ng pagdinig ukol sa GCTA at ninja cops sa halip na maglabas agad ng committee report

315

Hindi matutuloy ang inaasahang paglalabas ngayong Linggo ng senado ng committee report ukol sa kontrobersyal na good conduct time allowance at ninja cops.

 

Ayon kay Blue Ribbon Committe Chairman Senator Richard Gordon, sa halip na maglabas ng committee report ay magpapatawag sya ng isa pang pagdinig.


 

Plano ni Gordon na muling ipapatawag sa pagdinig sina PNP Chief Oscar Albayalde, dating CIDG chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Malong at Pdea Chief Aaron Aquino.

 

Tumanggi naman si Gordon na talakayin ang nilalaman ng kanilang draft recommendation sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon habang wala pa rin itong petsang itinakda para sa susunod na hearing.

 

Facebook Comments

From Advertisers