Pagtatalaga kay PNP Chief Albayalde matapos magretiro sa darating na Nobyembre, call na ng Pangulo – Sec Panelo

Hindi kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang lumabas na mga ulat na muling maitatalaga sa gobyerno si Philippine National Police chief Oscar Albayalde sa oras na magretiro ito.

 

Ayon kay Panelo call na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung muli nyang ippwesto si Albayalde.

 

Paliwanag pa ni Panelo ayaw na niyang patulan ang ilang reports na lumalabas dahil maliban sa spekulasyon lamang ito ay marami ding reports ang hindi nangyayari, kaya’t mainam na hintayin na lamang ang anunsyo ng Pangulo.


 

Si Albayalde ay nasa hot seat ngayon matapos madawit ang pangalan nito bilang umano’y protektor ng mga ninja cops.

 

Nakatakdang magretiro si Albayalde sa darating na Nov 8.

Facebook Comments