Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Villaflor, Cauayan City, Isabela.
Si alyas ‘Kikoy’, 32- anyos,isang magsasaka at residente sa lugar.
Dating kasapi ng Central Front Reynaldo Piñon Command sa ilalim ni alyas Gerome mula taong 2010 hanggang 2014 ang sumukong NPA.
Ipinasakamay naman nito sa mga otoridad ang improvised 12-gauge shotgun na may markang ‘ RMF’ na walang serial number at mayroon namang dalawang bala.
Ang pagsuko umano ni alyas ‘Kikoy’ ay resulta ng pinaigting na implementasyon ng Project SAGIP (Sustaining the Advocacy to Grind Insurgency in the Province) na programa ng Isabela Police Provincial Office.
Ito rin umano ay pinagsanib na ipinatutupad ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC), Provincial Intelligence Unit-Communist Terrorist Group Tracker Team, 141 SAC, 14th SAB, PNP Special Action Force (PNP-SAF), 95th IB, Philippine Army, Regional Intelligence Unit 2, Tactical Operation Group 2, Tactical Operation Wing Northern Luzon (PAF) at Cauayan City Police Station.
Dagdag dito, ang PRO2 Lingkod Bayanihan Program ng Police Regional Office 2 ay kinakailangang maipagpatuloy gaya ng ginawa ni alyas ‘Kikoy’ na nagbalik loob sa pamahalaan.