Dating OFW sa Pangasinan, kalaboso matapos magpanggap na nanalo sa Wowowin ni Willie Revillame at nagpa-load sa GCash pero wala namang pambayad

Kalaboso ang isang dating OFW sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan matapos itong mag-cash in sa isang online payment application pero wala naman pala itong pera na pambayad.

Kinilala ang suspek na si May Soriano, residente ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nagtungo sa isang tindahan ang suspek upang mag-cash in sa pamamagitan ng G-CASH na nagkakahalaga ng ₱18,000 pero wala pala itong pambayad.


Nagpanggap pa umano ito na nanalo ng pera sa Wowowin ni Willie Revillame kung saan ay babayaran nito ang pero kapag nakuha na nito ang napanalunan.

Subalit hindi naniwala ang mga may ari ng tindahan at agad na itinawag ng PNP ang suspek na agad namang inaresto at ngayon ay nahaharap na sa kaukulang kaso.

Facebook Comments