Dating Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog, inilipat ng kulungan

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police PGen. Rolando Olay na inilipat ng kulungan si dating Ozamis City Mayor Nova Parojinog.

Ito ay nakakulong sa PNP custodial center sa Camp Crame at inilipat sa jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Payatas, Quezon City kaninang alas-2:00 ng hapon.

Aniya, ang dahilan ng paglipat ay dahil may court order si Parojinog para sa jail transfer.


Maayos naman aniya ang kaniyang naging paglipat ng kulungan.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pananatili ni Parojinog sa PNP Custodial Center.

Nagreklamo kasi siya na minolestya siya ng noo’y PNP Custodial Service Chief na si PLt. Col. Jigger Noceda.

Pinaimbestigahan naman agad ng pamunuan ng PNP sa Women and Children’s Protection Center ang reklamo ng attempted rape, acts of lasciviousness and unjust vexation laban kay Lt. Col. Noceda na naging dahilan ng pagkakasibak nito sa pwesto.

Facebook Comments