Dating Pangulong Duterte, patuloy na naka-monitor sa kalagayan ng bansa

Bilang isang pribadong mamamayan ay patuloy pa ring mino-monitor ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ng bansa lalo na pagdating sa peace and order na isa sa mga pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, nananatiling intresado si dating Pangulong Duterte sa mga nangyayari at mangyayari sa bansa.

Aniya, kasamang binabantayan ng dating pangulo kung ano gagawin ng gobyerno ngayon sa mga nakamit o naisagawang magagandang programa ng kanyang administrasyon na nakakatulong sa ating mga kababayan.


Sabi ni Go, higit ding tinututukan ni Duterte ang mga isyu tulad ng ilegal na droga, kriminalidad at katiwalian na maaring lumalala muli ngayong bumaba na siya sa pwesto.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Go na hindi makikialam si dating Pangulong Duterte sa administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero ayon kay Go, maaring magsalita ang dating pangulo sa mga isyu na maglalagay sa alanganin sa interes ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments