Dating Pangulong Gloria Arroyo at iba pa, pinanagot ng abogado ng Morong 43 sa umano’y pag-detain at pag-torture sa health workers

Manila, Philippines – Pinapanagot ng abogado ng Morong 43 ang dating Pangulong Gloria Arroyo sa pag-aresto at umano’y pag-detain at pag-torture sa health workers.

 

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez ng NUPL o National Union of People’s Lawyers, dapat ding panagutin sa insidente sina dating Defense Secretary Norberto Gonzales at mga dating AFP Chief of Staff Generals Delfin Balingit at Victor Ibrado.

 

Sinabi ni Cortez na naniniwala silang ang pag-aresto, pagkulong at pag-torture sa morong 43 ay implementasyon ng Arroyo government na Oplan Bantay Laya 2.

 

Magugunitang inabsuwelto ng Ombudsman sina Arroyo, Balingit at Ibrado sa torture charges na isinampa laban sa mga ito ng Morong 43 members.


Facebook Comments