National Union Journalist of the Philippines, umalma sa pahayg ni Pangulong Duterte laban sa dalawang media company

Manila, Philippines – Pumalag ang National Union Journalist of the Philippines (NUJP) sa naging mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa dalawang media company.

 

Ayon sa NUJP, malinaw na hindi ang Inquirer at ABS-CBN ang bastos, kundi si Pangulong Duterte.

 

Inaabuso na ng Pangulong Duterte ang kanyang napakalaking kapangyarihan bilang Chief Executive ng bansa.

 

Hindi na aasahan ng NUJP na hihingi ng paumanhin ang Pangulo pero hindi mapipigilan ng pagmumura at maanghang na salita ang mga mamamahayag na gawin ang kanilang trabaho.


Facebook Comments