Dating Pangulong Joseph Estrada, isinugod sa ospital dahil sa COVID-19

Nasa maayos nang kalagayan ngayon si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada matapos isugod sa ospital kagabi.

Sa interview ng RMN Manila sa anak nito na si dating Senador Jinggoy Estrada, isinugod sa ospital kagabi ang dating pangulo matapos makaramdam ng panghihina ng kanyang katawan.

Ayon kay Sen. Jinggoy, Huwebes nang magpositibo sa COVID-19 ang dating pangulo kung saan posibleng nakuha niya ang virus sa mga bumibisita sa kanya sa kanilang bahay.


Bagamat nasa maayos nang kalagayan, humihingi pa rin ang pamilya Estrada ng dasal para sa tuluyang paggaling ng 83-anyos na dating president.

Naka-14-days home quarantine naman ngayon si Sen. Jinggoy at iba pang kasamahan makaraang ma-expose sa kanilang ama.

Facebook Comments