Dating Pangulong Noynoy Aquino – bibisitahin si Sen. Leila De Lima sa PNP-custodial center ngayong hapon

14
Nakatakdang bisitahin ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Sen. Leila De Lima sa Custodial Center ng Philippine National Police mamayang hapon.
 
Ito ay matapos bigyan ng clearance ni PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Dela Rosa si Aquino para madalaw ang senadora.
 
Ayon kay Dela Rosa – welcome sa kanila ang planong pagbisita ng dating pangulo.
 
Sa ngayon, mga kaanak at abogado lamang ni De Lima ang pinapayagang makabisita sa kaniya habang ang iba nais madalaw ang senadora ay kinakailangang humingi ng clearance sa PNP.


Image result for noynoy aquino and delima
Facebook Comments